Nasa proseso na ang paghahati sa dalawa o paghihiwalay sa Archdiocese of Cebu.
Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, layunin ng hakbang na mapaglingkuran pa ang mas maraming Katoliko sa lalawigan na umabot na sa mahigit apat na milyon ang bilang.
Matagal na rin anyang plano ang paghahati matapos ang ordinasyon ni Bishop Ruben Labajo bilang Auxiliary Bishop ng Archdiocese.
Una nang sinuportahan ng namayapang si Cardinal Ricardo Vidal, dating arsobispo ng Cebu ang paghahati sa Archdiocese of Cebu at iminungkahing hatiin ito sa tatlo na kinabibilangan ng North Cebu, Metro Cebu at South Cebu.
Sa kasalukuyan, saklaw ng Ecclesiastical Province ng Cebu ang Dumaguete, Maasin, Talibon at Tagbilaran.