Iniimbestigahan na ng mga otoridad at mga eksperto ang paggamit ng mga Russian troops ng flechettes o little arrow laban sa bansang Ukraine.
Nabatid na sinalakay at pinaulanan gamit ng flechettes ng Russian Military Forces ang maraming kabahayan sa Irpin City na sakop ng Ukraine kung saan, nasawi ang mahigit isang dosenang residente.
Base sa nakuhang report, ang nail-like projectiles o flechettes ay kilala bilang brutal invention ng World War 1 kung saan naka-ayos at nakalagay ito sa mga shells na kapag ginamit ay kusa itong sasabog at magbubuga ng tubig na may kemikal sa target na lugar.
May kakayahan din itong makapatay, makasugat at makasira ng bahay maging ng mga pader.
Sa ilalim ng Humanitarian Law, bagamat hindi naman bawal ang production o paggawa ng mga flechette, mahigpit namang ipinagbabawal ang paggamit nito sa civilian areas.