Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya babawiin ang proclamasyon na nagdedeklara sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army o CPP-NPA na teroristang grupo.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi pa panahon upang i-lift ang naturang proklamasyon laban sa komunistang grupo.
Matatandaang nilagdaan ng pangulo ang proclamation order noong disyembre ng nagdaang taon na ibinase sa RA 10168 o ang Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 na ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ang batas na pinagbasehan upang ideklarang terorista ang CPP-NPA.
Sa isinagawang press conference ni Pangulong Duterte sa Davao International Airport, muli nitong sinabi na ang kanyang mandato sa bayan ay ang siguruhin ang kaligtasan ng taumbayan at bigyan ng komportableng pamumuhay ang mga Pilipino.