Nais malaman ni Congressman Edcel Lagman kung may kaugnayan sa bidding para sa broadband project ng pamahalaan ang pagbibitiw ni Atty. Rodolfo Salalima bilang kalihim ng DICT o Department of Information and Communications Technology.
Ayon kay Lagman, bago pa natapos ang pagtalakay ng Kongreso sa panukalang budget ng DICT noong Setyembre 12 ay nabanggit na sa kaniya ni Salalima ang plano nitong pagbibitiw sa puwesto.
Sinabi ni Lagman na dapat lamang idetalye ni Salalima kung paano, sino at kailan siya nakaramdam ng pressure o pakiki – alam sa kaniyang hinahawakang ahensya,.
Una nang sinabi ni Salalima na katiwalian sa DICT ang dahilan ng kaniyang pagbibitiw.