Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagbibigay ng hustisya para sa mga biiktima ng pamamaril sa Ateneo de Manila University.
Ayon kay PBBM, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad para alamin kung ano ang motibo at kung may kasabwat ang suspek sa naganap na insidente upang mapanagot sa batas ang mga nasa likod ng pamamaril sa gitna ng graduation ceremony ng naturang Unibersidad.
Sa kabila nito, nagpaabot ng pakikidalamhati si PBBM sa mga pamilya ng mga nasawing biktima at ipinagdasal ang mga grumaduate, pamilya ng mga nasawing biktima, komunidad ng Ateneo, maging ang mga residente ng Quezon City at lalawigan ng Basilan.
Samantala, kinondena naman ni Department of Education (DepEd) secretary at Vice President Sara Duterte-Carpio ang nangyaring pamamaril sa naturang Unibersidad na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong biktima kabilang na si former Lamitan Mayor Rose Furigay at pagkasugat ng dalawa pang indibidwal.
Ayon sa Tagapagsalita ng Bise Presidente na si Atty. Rey munsayac, walang lugar sa lipunan ang ganitong uri ng karahasan lalo na sa isang unibersidad na dapat ay isang ligtas na espasyo para sa mga mag-aaral.
Sa kabila nito, hinikayat ng Office of the Vice President (OVP) ang Philippine National Police (PNP) na agarang tugunan ang isyu ng gun violence at paigtingin ang operasyon laban sa illegal firearms.
Samantala, nagpaabot narin ang pakikiramay si VP sara sa mga naiwang pamilya ng mga biktimang nasawi sa pamamaril.