Nanindigan ang International Olympic Committee (IOC) na bawal pa rin ang International Boxing Association(IBA).
Ito ang iginiit ng IOC kasabay ng pagsabing hindi ipinatupad ang “Drastic Change of Culture” na hiniling upang alisin ang suspensiyon.
Ayon kay IOC Sports Director Kit Mcconnell, nagpadala na ng isa pang sulat ang IOC Executive Board, pagkatapos ng una noong Setyembre, na naglista ng mga alalahanin nito sa IBA.
Noong 2019, sinuspinde ang IBA dahil sa maraming iskandalo sa katiwalian, pamamahala, transparency sa pananalapi at integridad ng mga proseso ng referees.