Prayoridad ng Senado na talakayin sa susunod na taon ang panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan, pagtatatag ng Department for Overseas Filipino (DOFil) at pagtataas ng edad para sa statutory rape.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, ang mga nabanggit na panukala ang mga napagkasunduang bigyang prayoridad sa common legislative agenda meeting ng mga lider ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Magugunitang muling umingay ang pagbabalik ng death penalty dahil sa pamamaslang ng isang pulis sa mag-inang sibilyan sa Tarlac.
Natukoy naman na priority measures ng malakaniyang ang pagbuo ng DOFil.
Nakatakdang magbalik sesyon ang Kongreso sa Enero18 habang maaari namang magsagawa na ng mga pagdinig ang iba’t ibang senate committees.