Patuloy pa ring makakaranas ng maaliwalas na panahon ang bahagi ng Luzon maliban na lamang sa mga isolated rain showers o thunderstorm.
Walang namamataang sama ng panahon o Low Pressure Area (LPA) ang PAGASA na maaring mabuo at pumasok sa susunod na tatlo hanggang limang araw.
Asahan naman na magkakaroon ng maliit na tiyansa ng thunderstorm dahil sa patuloy na pag-iral at epekto ng High Pressure Area sa silangang bahagi ng Luzon.
Ayon sa PAGASA, dahil sa umiiral na High Pressure Area, naitutulak nito ang hanging nagmumula sa Pacific Ocean kaya’t magiging mas mainit pa ang panahon sa bansa.
Magiging maaliwalas naman ang panahon na may mga pulu-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa central Visayas at Mindanao maliban na lamang sa mga isolated rain showers.