Maituturing na technical malversation ang pag-donate ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ng traffic lights sa Legazpi, Albay.
Ayon kay Bert Suansing, dating hepe ng LTO at ngayo’y Direktor ng CTAP o Confederation of Traffic Associations of the Philippines, hindi naman puwedeng lumabas ng Metro Manila ang mandato ng MMDA.
Ang ganitong gawain aniya ng namumuno sa isang ahensya ang dahilan kaya’t hindi dapat pulitiko ang inilalagay sa MMDA.
“Kialangan may political acumen na tinatawag pero not necessarily politiko,dahil kapag naglagay ka ng politiko diyan sa mga ganyang posisyon, ang mga Gawain niyan ay nakatuon sa susunod na eleksyon.” Ani Suansing.
Bigyan ng chance
Samantala, dapat bigyan pa ng pagkakataon ang Highway Patrol Group para ayusin ang masikip na daloy ng trapiko sa EDSA.
Ayon kay Suansing, masyadong maigsi ang isang araw para ma-assess kung tagumpay o hindi ang paglalagay ng HPG sa EDSA.
Kung tutuusin aniya ay hindi dapat tinanggal ang pulis sa pagmamando ng trapiko sa kalsada dahil kasama ito sa kanilang mandato sa ilalim ng batas.
Sinabi ni Suansing na iba pa rin kung pulis at hindi MMDA traffic enforcer ang nagpapatupad ng disiplina sa kalye.
“More than na may baril, siyempre respeto, pulis ‘yan ibang dating niyan kapag siya ang nakatayo sa kalsada at nagdi-direct ng traffic, kita mo naman ang pagkaway-kaway niyan malayo sa ginagawa ng MMDA, may dating kumbaga.” Pahayag ni Suansing.
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas