Iminungkahi ni Senate Minority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III na mula sa isang taon ay gawing tatlo hanggang limang taon ang pag-blacklist sa mga tiwaling kontratista.
Kinatigan din ito ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson, kung saan iminungkahi ng senador na dapat magtakda rin ng limitasyon sa bilang ng mga govt infrastructure projects na maaaring ibigay sa isang kontratista.
Hinimok din ni Sen. Lacson na silipin ang interlocking directorships ng ilang kontratista, matapos makita na ang mga dokumento ng ilang korporasyon ay may magkakatulad na directors.
Iginiit ng senador na dapat may mas mahigpit na koordinasyon ang mga ahensya ng gobyerno upang labanan ang ganitong uri ng sabwatan.
Dapat aniya ay check and balance sa halip na collusion o sabwatan ang mangyari.