Kumpiyansa ang mga mambabatas sa Kamara na hindi makakaapekto sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang sinabi ni House Assistant Majority Leader Jil Bongalon, na hiwalay na kaso ang pag-kakaaresto sa dating pangulo mula sa impeachment complaint.
Mawawalan lamang aniya ng mahalagang miyembro ng defense team ang kampo ni VP Sara matapos dahil sa The Hague, Netherlands si dating Pangulong Duterte.
Ipinaliwanag ng mambabatas na hindi pangkaraniwan ang kaso ni Duterte lalo’t siya ang kauna-unahang pilipinong naaresto at lilitisin ng International Criminal Court.
Sinabi ni Bongalon, na kanila nang ipinauubaya sa Korte Suprema ang desisyon sa gagawing hakbang tungo sa pag-abot ng hustisya ng mga pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay.
Tiniyak ng mambabatas ang kahandaan ng prosecution panel dahil regular naman aniya ang pagpupulong para sa nalalapit na paglilitis sa bise presidente.—sa panulat ni John Riz Calata mula kay Geli Mendez (Patrol 30)