Ikinalugod ng political analyst at ekonomistang si Wilson Lee-Flores ang ika-apat State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., partikular na ang bahagi kung saan inamin ng pangulo na hindi nasisiyahan ang publiko sa ilang serbisyo ng gobyerno gaya ng flood control.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ng political analyst na bihira lamang sa mga politiko ang hayagang umaamin ng kanilang pagkukulang sa harap ng publiko.
Aniya, ito ay magandang indikasyon na baguhin at pagandahin ang pamamalakad ng gobyerno sa natitirang tatlong taon ng kanyang administrasyon.
Kasunod nito, hinimok naman ng ekonomista ang pamahalaan na maging mas responsable sa paggasta ng pambansang budget na umaabot sa anim hanggang pitong trilyong piso, na karamihan anya ay utang mula sa ibang bansa.