Ikinagalak ng Metropolitan Manila Development Authority ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa pagpartiallt lift ng temporary restraining order sa No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Ayon sa MMDA, nagsumite sila ng motion for reconsideration sa Korte Suprema upang muling ipatupad ang NCAP.
Naniniwala anila sila na mas epektibong natutugunan ng NCAP ang mga problema sa trapiko sa mga pangunahing kalsada.
Bukod pa rito, binigyan-diin ng MMDA na mas mapangalagaan ang kaligtasan ng mga motorista at commuters, oras na ipatupad ang NCAP.
Nabatid na tanging sa Edsa at C5 lamang ipapatupad ang NCAP. —sa panulat ni Kat Gonzales