Maaaring ma-delay ang pag-aaral sa mix and match ng iba’t ibang brand ng bakuna kontra COVID-19.
Ito ay ayon kay Dr. Nina Gloriani, chairperson of the Department of Science and Technology’s VEP, kulang ang suplay ng bakunang dumarating sa bansa.
Una nang sinabi ng DOST na maaaring simulan ang naturang pag-aaral ng COVID-19 vaccines sa buwan ng Hunyo.
Sinabi ni Gloriani na mayroon nang nilabas na resulta ang University of Oxford sa mix and match ng bakunang AstraZeneca at Pfizer.
Lumalabas aniya sa pag-aaral na malakas ang tugon sa immune system ang isinagawang paghahalo ng AstraZeneca at Pfizer vaccine.
Samanatala, tiniyak ni Gloriani na maaring lumabas ang sariling resulta ng naturang pag-aaral sa buwan ng Setyembre o Oktubre.