Aabot sa mahigit P8-M halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad sa pitong drug pushers sa Central Visayas.
Nabatid na nagsagawa ng magkakasunod na Anti-Illegal Drug Operations ang mga otoridad sa Barangay Duljo-Fatima; Barangay Bunga, Toledo City; Barangay Tisa; Barangay Poblacion; Barangay Tip-Tip, Tagbilaran; at Bayan ng Balamban, Cebu City.
Layunin ng nasabing operasyon na mabawasan ang ibat-ibang uri ng krimen sa bansa.
Nahaharap ngayon sa kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga inarestong suspek.