Aabot na sa 43.3 million pesos na halaga ng burial at medical assistance ang iprinoseso na ng Office of the Vice President (OVP) simula noong July 1.
Ayon kay Vice Presidential Spokepserson, Atty. Reynold Munsayac, kabuuang 12 million pesos na ang naipamahagi ng OVP sa mga benepisyaryo.
Bukod pa ito sa Libreng Sakay Program na sinimulan noong August 3 na nakapagsilbi na sa 7,764 pasahero sa gitna ng peak hours.
Bumibiyahe ang Libreng Sakay Program sa NCR, Davao, Cebu at Bacolod cities.