Tinatayang P33 milyong halaga ng local o foreign currencies at iba pang monetary instruments ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) mula noong 2020.
Batay sa report ng Intelligence Group-Customs Intelligence and Investigation Service o IG-CIIS ng customs, tinangkang ipuslit ang bansa ang mga nasabing halag ng salapi na karamiha’y nakasilid lamang sa baggage ng mga pasahero.
Ayon sa ahensya, dapat kumuha ng authorization mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)ang mga biyahero na maglalabas ng pera sa bansa na nagkakahalaga ng higit limampung libong piso.
Para naman sa mga foreign currencies at iba pang monetary instruments na higit sa 10,000 us dollars ang katumbas na halaga ay kailangang ideklara ito sa Customs Baggage Declaration Form at Foreign Currency Declaration Form.