Tinatayang P33 bilyon ang kailangang pondo upang mabigyan ng laptop ang lahat ng mga guro para sa distance learning ngayong may COVID-19 pandemic.
Ito ang tugon ng Department of Education sa tanong ni Act Teachers Party-List Rep. France Castro kung mabibigyan ng kailanganing gadget ang mga bata at guro sa ilalim ng computerization program ng ahensya.
Sa budget deliberation ng House Committee on Approriations, inihayag ni DEPED Undersecretary Alain Pascua na kabilang sa pondo ang P4 bilyon para sa data connectivity hanggang sa susunod na taon.
Aminado si Pascua na nakatulong ang Bayanihan 2 upang makapagbigay ng laptop sa mga teaching personnel kung saan umabot na sa 211,000 units ang kanilang naideliver simula noong isang taon.
Sa kanilang panukalang 2022 budget, aabot sa P630.8 bilyon ang hirit ng kagawaran.—sa panulat ni Drew Nacino