Aabot sa 200 million pesos hanggang 300 million pesos ang kailangan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para muling buhayin ang educational assistance program para sa mga indigent students.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, aminado ang kagawaran na hindi sapat ang 1.5 billion pesos na budget para sa programa dahil sa bilang ng mga estudyante na nagparehistro kung saan umabot ito ng dalawang milyon.
Aniya, ang panukalang halaga ng karagdagang pondo para sa cash assistance program ay maaaring ipamahagi sa bawat distrito, at ang pagpaparehistro ay maaaring gawin sa bawat rehiyon.
Nabatid na umabot sa mahigit isa punto anim na bilyong piso ang kabuuang halaga na naipamahagi ng DSWD sa ilalim ng naturang programa.