Kinikilala na ng Pilipinas ang National COVID-19 Vaccination Certificate ng Holy See sa Vatican.
Ito ay matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Vatican’s Proof of Vaccination para sa arrival quarantine protocols at interzonal at intrazonal movement.
Samantala, sinabi ng IATF Secretariat, mayroong 77 bansa, teritoryo at hurisdiksyon na may aprubadong mga sertipiko ng National Vaccination hanggang sa kasalukuyan.