Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palalawakin pa sa buong bansa ang pagbebenta ng ‘bente pesos na kada kilo ng bigas.’
Sa kanyang SONA, sinabi ni Pangulong Marcos na matagumpay nang nailunsad ang programa sa ilang bahagi ng bansa gaya ng Pangasinan, Cebu, Bacolod, at Davao del Sur.
Ayon sa Pangulo, kayang ibaba ang presyo ng bigas sa bente pesos nang hindi nalulugi ang mga magsasaka sa buong bansa.
Prayoridad sa programa ang mga nasa vulnerable sectors, at layunin nitong tiyaking may abot-kayang bigas para sa lahat.