Pahihintulutan na rin pamahalaan ang mga magsasaka na makabili ng bente pesos kada kilo na bigas, simula Agosto 13.
Ayon sa Department of Agriculture, saklaw ng nasabing programa ang mga magsasakang nakarehistro sa ilalim ng D.A.-Registry System for Basic Sectors in Agriculture.
Mauunang ilulunsad ang mas pinamurang bigas sa mga magsasakang nakatira sa Regions 2 at 3, kung saan maaaring makabili ang mga ito ng hanggang sampung kilong bigas kada buwan.
Batay sa datos ng D.A., nasa 2.9 milyong magsasaka ng palay ang nakarehistro sa ilalim ng RSBSA.
—sa panulat ni John Riz Calata