Nasa 13.3 billion pesos ang mga infrastructure projects na nabansagang “critical” dahil sa pagkaantala at iba pang mga problema.
Ito, ayon sa Department of Economy, Planning, and Development, ay katumbas ng apatnapu’t tatlong proyekto, na karamiha’y hawak ng Department of Public Works and Highways at Department of Transportation.
Dagdag pa ni Economy Undersecretary Joseph Capuno, mayroon ding mga proyektong pinondohan sa pamamagitan ng Official Development Assistance ang namomroblema pagdating sa budget, right-of-way acquisition, at procurement.
Nirerekomenda ni Usec. Capuno na ayusin ang funding requirements ng mga nasabing proyekto alinsunod sa mga budget cycle at ang koordinasyon ng mga ito sa Department of Budget and Management.