Nangangailangan ang mga pamilyang Pilipino ng labing dalawang libong piso kada buwan upang mabuhay at hindi maghirap.
Batay ito sa latest Social Weather Stations survey. Gayunman, ang pamilyang Pinoy na naninirahan sa Metro Manila ay dapat mas mataas sa dalawampung libong piso ang buwanang budget para mabuhay ng maayos.
Nakasaad din sa survey ng SWS na ang minimum monthly budget ng pamilyang Pinoy para hindi masabing sila ay mahirap ay tumaas sa P12,000 pesos ngayong taon mula sa P10,000 pesos sa huling quarter.
Ayon pa sa survey, ang pagtaas ng minimum monthly budget ng pamilyang Pilipino ay epekto ng pagtaas ng halaga ng pagkain, pamasahe at mga bayarin tulad ng kuryente at tubig.
—sa panulat ni Jem Arguel