Papalo sa ₱1.7 trillion ang nalagas sa Philippine stock market sa loob lamang ng tatlong linggo dahil sa isyu ng korapsyon sa bansa, partikular na ang kontrobersiya sa maanomalyang flood control projects.
Kinumpirma ito ni Securities and Exchange Commission Chairman Francis Lim sa annual conference ng Financial Executives Institute of the Philippines.
Ayon kay Chairman Lim, dahil sa kontrobersiya, nawalan ng kumpiyansa ang publiko at nalagas ang napakalaking halaga sa market value sa kabila ng tumataas na corporate earnings.
Aniya, hindi umaalis ang mga investors dahil sa mahihinang fundamentals kundi dahil sa mahinang integridad.
Binigyang-diin ni Chairman Lim na kapag nasira ang tiwala ng mga namumuhunan, nawawalan ng kapital — kung saan ang pamahalaan, mga negosyo, at publiko ang mananagot dito.