Kinumpirma mismo ng bagong talagang Ombudsman na si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na sisimulan niyang suriin ang rekomendasyon ng Kamara na kasuhan si Vice President Sara Duterte kaugnay ng sinasabing pang-aabuso sa paggamit ng confidential funds.
Ayon kay outgoing Justice Secretary Remulla, nasa Office of the Ombudsman na ang mga report at sisimulan na nila itong busisiin.
Bubuklatin at pag-aaralan anya nila ang mga kaso, at kakausapin ang mga may hawak ng mga ito bago sila pumasok sa mas malalim pang imbestigasyon.
Noong Hunyo, inaprubahan ng House of Representatives ang ulat ng House Committee on Good Government and Public Accountability na nagrerekomenda ng paghahain ng mga kasong kriminal, sibil, at administratibo laban kay VP Duterte.