Malabo nang makapaglatag ang Comelec o Commission on Elections ng opisyal na debate para sa mga senatorial candidates na tumatakbo para sa 2019 midterm elections.
Ito, ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, ay dahil wala ng sapat na oras ang Comelec para mag-organisa ng isang official debate at sa halip ay susuportahan na lamang nila ang mga debateng inorganisa ng mga media company.
Paliwanag pa ni Abas, lubhang mas marami ang mga kandidato para sa midterm polls kumpara sa noo’y presidential elections kaya’t mahihirapan sila na buuin at ilatag ang isang debate.
Magugunitang humiling ng isang public debate sa Comelec ang partido ng oposisyong Otso Diretso sa pagitan ng mga senatorial candidates.