Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa bahagi ng Negros Occidental 1:32 kaninang madaling araw.
Natukoy ng PHIVOLCS ang episentro ng pagyanig sa layong siyam na kilometro hilagang-kanluran ng bayan ng Sipalay.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at mayroon itong lalim na 19 na kilometro mula sa episentro.
Wala namang naitalang intensity ang nasabing lindol kaya’t hindi ito gaanong naramdaman ng mga residente sa lugar.