Mariing itinanggi ng National Economic and Development Authority o NEDA ang mga alegasyong minamanipula ng gobyerno ang datos ukol sa August 2018 inflation rate.
Ayon kasi sa ilang mga ekonomista, pumalo sa 6.6 percent ang inflation noong nakaraang buwan ngunit mas mababa anila ang ibinabang figure ng gobyerno.
Gayunman, iginiit ni Socio-economic Planning Secretary Ernesto Pernia, na hindi nila minamanipula ang mga datos at wala aniya silang anumang itinatago.
Ipinaliwanag ng opisyal na anumang preliminary figures ay maaari pang mabago.
Inihalimbawa ni Pernia ang GDP report noong 2016 kung saan naitala ang 6.8 percent na kalaunan ay itinaas din sa 6.9 percent habang lumago naman ang ekonomiya ng bansa ngayong taon sa 6.6 percent na binago rin sa huli nang hanggang 6.4 percent.
—-