Kasabay ng pagdiriwang ng National Student’s Day sa bansa ngayong araw ipinanawagn ni Kabataan Partylist Sarah Elago ang karapatan ng mga kabataan at mag-aaral.
Ayon kay Elago, matagal nang ipinaglalaban nito ang free higher education, kalayaang pang-akademiko, pagbibigay ng kapangyarihan sa mga kabataan, katarungan, gender equality, klima at soberanya.
Aniya, ang tinig ng kabataan sa komunidad at maging sa kongreso ay pinatatahimik at sinisiraan dahil sa pagsisiwalat ng katotohanan.
Giit nito, ang ligtas at protektadong lugar para sa makubuluhang pakikilahok ng kabataan ay susi para magbigay ng mas maraming oportunidad para sa mga estudyante na siyang makatutulong para sa nation building.
Kaugnay nito, magsasagawa ang DEPED ngayong araw ng virtual celebration ng National Student’s Day mamayang ala-una ng hapon upang bigyang pagkilala ang mahalagang gampanin ng mga mag-aaral sa bansa. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)