Nababahala si National Security Adviser Secretary Clarita Carlo ang nagpapatuloy na presensya ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.
Inihayag ni Carlos na labag sa patakaran ng international law ang mga ginagawa ng China maging sa mga sinasabi ng kanilang mga lider.
Aniya, nakakalungkot na walang ibang magawa ang Pilipinas kundi makipag-usap at maghain ng diplomatic protest na tila hindi pinapansin ng nasabing bansa.
Samantala, wala pang katiyakan kung mababanggit ng Pangulong Bongbong Marcos Jr kay president Xi Jinping ang usapin hinggil sa West Philippine Sea.
Nakatakda namang bumisita ang punong ehekutibo sa beijing sa enero sa susunod na taon.