Mahigit 196K katao o nasa 50K pamilya na apektado ng bagyong Odette ang nananatili sa evacuation centers.
Ito, ayon sa Department of Social Welfare and Development, ay batay sa kanilang Disaster Response Operations Monitoring and Information Center.
Nananatili ang mga bakwit sa tinatayang 1,100 evacuation centers habang mas pinili ng nasa 43K indibidwal na makituloy sa kani-kanilang mga kaanak o kaibigan.
Kabilang sa mga apektadong rehiyon ang MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN at CARAGA.