Ang pagnipis ng buhok ay maaaring dulot ng iba’t ibang dahilan kabilang na ang pagtanda, stress, medical condition tulad ng hormonal imbalance o alopecia, at maaari ring genetics o namana.
Ayon sa mga eksperto, maaaring maagapan ang mabilisang pagnipis ng buhok kung agad magpapakonsulta sa dermatologist o endocrinologist para sa tamang pagsusuri at paggamot.
Anila, importanteng unahing baguhin ang lifestyle gaya ng tamang pagkain, at stress management.
Makatutulong din ang pag-inom ng food supplements na mayroong biotin, iron, zinc, vitamin D, at omega-3 fatty acids na sumusuporta sa paglago at pagtibay ng buhok.
Kinakailangan ng agarang aksyon upang mapabuti ang kalusugan ng buhok at maiwasan ang patuloy na pagkawala nito.
—Sa panulat ni Daniela De Guzman