Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Mungkahing mag-hire ng maraming contact tracers kontra sa pagkalat ng COVID-19 pinuri

by DWIZ 882 May 12, 2020 0 comment
dominguez

Isa si Finance Secretary Carlos Dominguez III sa ilang cabinet members na ‘sensible’ o marunong at makatwiran kung mag-isip.

Ito ang inihayag ni Sen. Panfilo Lacson makaraang imungkahi ni Dominguez ang pagha-hire ng maraming contact tracers.

Sinasabing layunin nito na mapaigting ang pagsisikap na mapigil ang pagkalat ng COVID-19 at mabigyan ng trabaho ang nakararami na siguradong makakatulong sa ekonomiya.

Paliwanag ni Lacson, ang contact tracing ay unang hakbang laban sa banta ng COVID dahil ito ang tutukoy kung sino ang mga dapat mapasama sa mass testing na posibleng may taglay o maaring magkalat ng virus.

Diin ni Lacson, kung hindi mapagbubuti ang hakbang na ito ay hindi magiging epektibo ang mass testing ng pamahalaan.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment