Bukas ang Metropolitan Manila Development Authority na pakinggan ang mga reklamo, suhestyon at ideya ng mga motorista hinggil sa No-Contact Apprehension Policy (NCAP).
Nilinaw ni MMDA Chairman Romando Artes na hindi lahat ng mga nahuhuli ay pinadadalhan ng notice of violation.
Sa datos ng MMDA, nasa 8,586 ang kanilang naitala sa NCAP simula nang ipinatupad ito, mahigit 4,000 lamang dito ang kumpirmadong nahuli.
Dahil dito, isasailalim muna ng ahensya sa manual review at validation ang NCAP para matiyak na tama ang huli nito bago mag-isyu ng notice of violation sa mga lumabag na driver.
Paglilinaw pa ng opisyal ng MMDA na ang ipinatupad na NCAP ay pagpapairal sa disiplina at hindi multa.