Hindi naman maipagkakaila na idinedepende na natin sa ai ang ibang bagay dahil mas mabilis nga naman ito at mas madali. Pero ang babaeng ito sa Greece, ipinaubaya sa AI at hinayaan ito na sirain ang relasyon nilang mag-asawa.
Kung ano ang mga sumunod na nangyari, eto.
Isang araw, nagtimpla ng kape ang isang misis para sa kanilang mag-asawa. Pagkatapos ay pinicturan niya ang mga ito at ini-upload sa ChatGPT.
Ang interpretation ng chatbot? Nagloloko raw si mister.
Mayroon daw pinagpapantasyahang babae si mister na nagsisimula sa letter “E” ang pangalan at nakatadhana na magkaroon ng relasyon dito.
Bukod pa riyan, sinasabi rin ng chatbot nang basahin nito ang coffee cup ni misis na ang other woman daw ng kaniyang mister ay determinado na sirain ang kanilang pamilya.
Agad na nagalit si misis at walang pag-aatubili na nag-file ng divorce.
Bagama’t hindi pumayag na makipaghiwalay ang lalaki, nakatanggap pa rin ito ng divorce papers makalipas lang ang tatlong araw, ngunit ayon sa kaniyang abogado ay walang legal standing ang mga resulta na inilabas ng AI chatbot.
Samantala, ayon kay mister, sensitive raw talaga ang kaniyang misis sa mga divinatory practices. Sa katunayan ay naging obsessed daw ito noon sa astrology at nahirapan pang tanggapin na hindi rin totoo ang sinasabi ng mga ito.
Sa mga mag-asawa diyan, sino ang mas paniniwalaan niyo? Ang asawa niyo o ang ChatGPT?