Ang Pilipinas ang may isa sa pinakamataas na minimum wage levels sa Timog-Silangang Asya.
Ito ang pahayag ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma habang tumitindi ang pagkalampag para sa 200-peso legislated wage hike.
Ayon kay Sec. Laguesma, inaasahan niyang itatampok ng Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang jobs growth sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address sa darating na Lunes, July 28, sa halip na suportahan ang malawakang across-the-board increases.
Dagdag niya, mas mataas pa ang kasalukuyang minimum wage hike ng Pilipinas kaysa minimum wage rates ng Vietnam, Malaysia, Thailand, at Indonesia.
Samantala, bilang sagot sa mga mambabatas at labor groups iginigiit ang P200 legislated increase, ipinaliwanag ni Sec. Laguesma na mahigit 85 percent ng lahat ng wage adjustments magmula noong 1990 ay kusang ipinatupad ng mga board na ito, at hindi lamang bilang tugon sa mga petisyon.
Matatandaang inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang limampung-pisong umento sa minimum wage sa Metro Manila, o mula 645 pesos kada araw ay naging 695 pesos na ito, na tinatayang mapapakinabangan ng one-point-two million minimum wage earners.