Nakatakdang simulan ngayong buwan ang pagrerepaso sa minimum wage rates sa ilang rehiyon.
Ito ang kinumpirma ni Labor Bureau of Local Employment Head Assistant Secretary Patrick Patriwirawan Junior alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na itaas ang sahod ng mga manggagawang Pilipino.
Ayon kay Patriwirawan, handa ang Department of Labor and Employment na ipatupad ang dalawandaang pisong legislated wage hike sakali maipapasa ito ng kongreso at aprubahan ni PBBM.
Patuloy naman anya nakikipagdiyalogo ang kagawaran sa iba’t ibang sektor kasama ang labor sector and employer sector bago maipatupad ang taas-sahod ng mga obrero.