Ginawaran ng medalya ng kagitingan ng Philippine National Police (PNP) ang 10 tauhan ng Negros Occidental Provincial Police Office.
Ito ay kasunod ng kanilang pagkakaaresto sa may 42 miyembro ng New People’s Army (NPA) at 13 medor de edad na bagong recruit sa Negros Occidental noong Oktubre 31.
Mismong si PNP OIC Chief Police Lt. General Archie Gamboa ang nag-abot ng parangal kina Police Col. Benliner Capili, Police Lt. Col. Anthony Gantang, Police Chief Master Sergeant Ramiro Gocotano, Police Senior Master Sergeants Rex Himodo, Alberto Sombilon at Jerome Jambaro.
Ginawaran din ng parangal sina police patrols Elmer Toos, Eljhon Dapitan, Neshijara Beare at John Patrick Evangelista.
Isinagawa ng Negros PPO ang operasyon sa bisa ng ipinalabas na search warrant ni QCRTC branch 89 president judge Cecilyn Burgos-Villavert. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)