Patuloy ang operasyon ng mga sinehan sa kabila ng pagsasailalim sa alert level 3 ng Metro Manila simula ngayong araw.
Ito ang inihayag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), nasa 30% lamang ang maaari nilang papasukin sa loob ng mga sinehan.
Bukod dito, limitado din ang panunuod ng sine para sa mga nabakunahan na indibidwal kontra covid-19.
Habang ang mga outdoor na sine naman ay hanggang limampung porsiyento lamang na kapasidad ang maaaring payagang manood.
Samantala, muling pinaalalahanan ng MTRCB ang publiko na maging responsableng manonood na patuloy sundin ang mga ipinatutupad na minimum public health standards.