Mananatili sa 70% ang passenger capacity sa lahat ng tren kasunod ng pagsasailalim sa alert level 3 ng Metro Manila.
Ayon kay Department of Transportation Secretary Arthur Tugade, patuloy pa rin ang kanilang pagpapatupad sa mga health protocols sa tuwing sasakay sa mga tren at gagamit sa iba pang rail facilities tulad ng mga estasyon.
Ang naturang hakbang ay para maiwasan ang pagsisiksikan ng mga pasahero sa istasyon kung saan maaaring maging sanhi ng pagkalat ng virus.
Nabatid na ilalagay muli ang Metro Manila sa alert level 3 simula ngayong araw hanggang akinse ng Enero kasunod na rin nang pagtaas ng mga naitatalang bagong Covid-19 infections sa bansa.