Nais mo bang magbawas ng timbang? Narito ang ilang tips na maaari mong gawin tuwing pagkagising ayon kay Dr. Winston Tiwaquen, mas kilala bilang Dr. Kilimanguru, isang general practitioner:
Mag-stretch muna – Nakakatulong itong magising ang katawan at maiwasan ang pananakit ng muscles.
Maglaan ng kahit 10 minuto para sa aerobic exercise – Para mapaganda ang sirkulasyon ng dugo at makapagbigay ng dagdag-enerhiya bago pumasok sa trabaho o klase.
Huwag laktawan ang almusal – Siguraduhing 50% fiber, 25% protein, at 25% carbohydrates ang laman ng iyong plato tuwing kakain.
Sa ganitong paraan, mas magiging busog ka nang mas matagal at makakaiwas sa binge eating.
Kaya bago mag-social media, bigyan muna ng oras ang katawan — stretch, galaw, at kumain nang tama.