Walang Filipino ang nasaktan sa nangyaring airstrike sa Zawiyah District sa Libya.
Ayon kay Philippine Embassy in tripoli chargè d’ affaires Elmer Cato, walang nasaktan sa pitong mga Filipinong nurse na naninirahan sa Zawiyah District batay sa kanilang nakuhang report.
Gayunman, tiniyak ni Cato na patuloy pa rin silang mahigpit na nakabantay sa sitwasyon partikular na sa Salahuddin District kung saan napaulat ang ilang buwan nang labanan.
Magugunitang dalawa ang patay habang 10 ang sugatan sa nangyaring airstrike sa Zawiyah District habang nagpapatuloy ang kaguluhan sa labas ng Tripoli at mga kalapit nitong lugar.