Nagsimula na kaninang ala sais ng umaga ang special voting schedule para sa mga PDL o Persons Deprived of Liberty na inaasahang magtapos ng alas una ng tanghali.
Naitala ang Talisay City Bureau of Jail Management (BJMP) na may pinakamaraming bilang ng mga PDL sa Cebu na mayroong mahigit 3,000 registered voters.
793 sa mga ito ang inaasahang boboto na kinabibilangan ng 695 na mga kalalakihan at 98 na mga kababaihan.
Inaasahan naman na nasa 1,126 ang bilang ng mga PDL na boboto sa 17 special polling precints sa MIMAROPA.
Samantala, ayon kay BJMP male dormitory Spokesperson Inspector Nelver Lagutin, naka red alert ang Talisay City BJMP simula pa kaninang alas kwatro ng umaga. Hindi rin pinapayagang umalis ang mga ito habang bumoboto ang mga PDLs at maaari lang bumoto pagkatapos ng mga PDLs.
#dwiznews #aliwchannel23 #halalan2025