Target ng Commission on Elections (COMELEC) na resolbahin ang mga pending cases ng mga Presidential Aspirants bago matapos ang taon at bago sumapit ang halalan 2022.
Matatandaang sinabi ni dating COMELEC Chairman Christian Monsod, sakaling magkaroon ng delay sa paglalabas ng poll body ng kanilang final verdict sa mga pending cases na kinakaharap ng mga presidential aspirants ay may kaakibat na repurcussions.
Nabatid na isa si dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Na tumaktakbo sa pagkapangulo, ang nahaharap sa walong pending petitions.
Nilinaw naman ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na sakaling makansela ang Certificate of Candidacy COC ng Presidential aspirants na nanalo sa 2022 elections ay posibleng kilalanin sa puwesto ang naging second-place winner nito.
Kung mareresolba naman ang disqualification case pagkatapos ng halalan, ang “constitutionally designated successor” ang siyang aakyat sa puwesto.
Maari ding magkaroon ng substitution kung ang kandidato ay disqualified pero hindi sa kanselado ang COC. —sa panulat ni Angelica Doctolero