Bahagyang nadagdagan ang mga pamilyang Filipino na ikinukunsidera ang kanilang sarili na mahirap batay sa quarterly survey ng Social Weather Stations (SWS) noong April 19 hanggang 27.
Sa naturang survey, 43% o 10.9 na milyong pamilya ang nagsabing sila ay mahirap, 34% ang nagsabing sila ay nasa “borderline poor” habang 23% ang nagsabing hindi sila mahirap.
Kumpara ito sa December 2021 survey na 10.7 million Filipino families o 43% ang ikinukunsidera ang kanilang sarili na mahirap, 39% ang nasa “borderline poor” habang 19% ang hindi mahirap.
Ipinaliwanag ng SWS na ang bahagyang paglundag ng self-rated poverty sa bansa ay bunsod ng magkahalong pagtaas sa Mindanao at Metro Manila at pagbaba naman sa Visayas at Balanced Luzon.
Samantala, aabot naman sa 1.5 milyong Pinoy ang bagong mahirap.