Tiniyak ng Philippine National Police o PNP na magkakaroon ng pagbabago sa mga operasyon kontra iligal na droga.
Kasunod ito ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang papel ng PNP sa war on drugs kung saan magsisilbing lead agency ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos, ang mga pagbabagong gagawin sa operasyon ng PNP ay para na rin sa ikatatagumpay ng kampanya ng pamahalaan.
Gayunman, iginiit ni Carlos na hindi pa niya maaaring tukuyin ang mga gagawing pagbabago sa mga ikakasang anti-drug operations.
Matatandaang inilipat ni Pangulong Duterte sa PDEA ang pangunguna sa giyera kontra droga matapos na masangkot ang mga pulis sa sunud-sunod na kontrobersya.
—-