Posibleng umabot pa hanggang sa Biyernes ang malalakas na pag-ulan dulot ng habagat.
Ito’y dahil sa binabantayang tatlong low pressure area sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility.
Gayunman, tuloy-tuloy sa pagtugon ang pamahalaan para sa mga apektado ng kalamidad.
Una nang nagpulong ang Office of Civil Defense kasama ang lahat ng mga matataas na opisyal ng mga pangunahing ahensya ng pamahalaan.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga gagawing hakbang bunsod ng malalakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon gayundin sa ilang bahagi ng Visayas.
Kasunod ito sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tugunan ang epekto ng habagat.
Sa pinakahuling datos ng NDRRMC, pumalo na sa 225,985 na pamilya o mahigit sa 800,000 na indibidwal ang apektado sa iba’t ibang lugar sa bansa dulot ng habagat.
—sa panulat ni Jasper Barleta