Inatasan ng Ombudsman ang limang matataas na opisyal ng pamahalaan na magsumite ng kanilang counter-affidavit kaugnay ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang na rito sina Justice Sec. Boying Remulla, Interior Sec. Jonvic Remulla, CIDG Chief Gen. Nicolas Torre III, PNP Chief Gen. Rommel Marbil, at Special Envoy on Transnational Crime Amb. Markus Lacanilao.
Nag-ugat ito sa isinumiteng Senate Committee on Foreign Relations report ni Sen. Imee Marcos na nagrerekomendang hainan ng administrative at criminal charges ang ilang opisyal dahil sa pagkakasangkot sa pag-aresto sa dating pangulo.
Binigyan naman ng sampung araw ang mga nabanggit na opisyal para magsumite ng kanilang counter-affidavit at iba pang dokumento.