Ipinag-utos ng Department of Migrant Workers (DMW) na tanggalin ang patakarang nag-aatas sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na magsuot ng full Personal Protective Equipment (PPE) sa kanilang pag-alis sa mga paliparan sa bansa.
Ang utos ni DMW secretary Susan Ople ay nakapaloob sa advisory na inilabas ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na may petsang September 23.
Nilinaw ni Ople na hindi nire-require ng POEA ang paggamit ng PPEs sa mga aalis na OFW.
Samantala, naglabas din si DMW Undersecretary for Licensing and Adjudication Bernard Olalia ng abiso na nagpapaalala sa recruitment agencies na itigil ang naturang requirement sa mga OFW.